Ang programa na kikilalaning Touch Mobile Go-For-Gold ay titigil sa Barangay Pamarawan sa Malolos, Bulacan kung saan iho-host ni Mayor Danilo Domingo ang 12 bout card at isasa-ere sa NBN-4 tuwing Sabado mula alas-7 hanggang alas-8:30 ng gabi.
Ang laban ay tatampukan ng dalawang laban sa kababaihan sa Sabado, simula alas-3 ng hapon na may pitong laban na nakatakda sa pagitan ng Davao City at Philippine Navy.
"The initial staging of the Touch Mobile Go-For-Gold will be a dual meet between aspiring boxers from Davao City and new talent from the Philippine Navy," paliwanag ni ABAP president Manny Lopez.
Nagpapasalamat ang ABAP sa pagtulong ng Touch Mobile bilang benefactor sa programang ito na matagal nawalan ng suporta. At dahil sa supor-tang ito ng Touch Mobile, maipagpapatuloy na ang programa na nakagawa ng tulad nina Roel at Onyok Velasco, Bobby Jalnaiz, Lerio Brothers, Harry Taña-mor at maging ng mga miyembro ng national training pool sa ngayon.
Limang laban kabilang na ang flyweight duel sa pagitan nina Annie Albania ng South Cotabato at Analiza Cruz ng Mindoro, at Angelita Bautista ng Navy at Jhoren dela Rosa ng FEU ang magpapa-init sa boxing card.