Pinangunahan nina Judith Cruz, Lea Navato at Gaston Beloso ang pananalasa ng MSST Tankers sa Rizal Memorial Swimming pool para agawin ang overall title mula sa Jose Abad Santos-Binondo.
Sa kabuuan, ang Manila Seahawks ay may kabuuang 27-golds, 14 silvers at 11 bronzes na hatid ng kanilang 30 entries.
Bumagsak sa ikalawang puwesto ang Jose Abad Santos-Binondo na nanatiling may 16-6-5 gold-silver-bronze medals na sinusundan na ngayon ng Philippine Columbian Association matapos lumangoy ang kanilang mga swimmers ng 15-golds, 19-silvers at 11-bronzes.
Mula sa ikalawang puwesto, bumaba sa third place ang Barrio Obrero Elementary School na may 12-4-7 gold-silver-bronze medals kasunod ang Barangay 659 na may 11-3-2 gold-silver-bronze sa isang araw na swimming competition kahapon.
Nakopo ni Navato ang ginto mula sa girls 13-14 years old 100m freestyle at 200m Individual medley; sa boys 100m free at 200m breast naman namayagpag si Cruz; habang nanguna naman si Beloso sa 8-under 100m free at 50m breast.
Bukod sa tigatlong individual golds nina Navato, Cruz at Beloso, mayroon din silang kontribusyon sa anim na relay gold ng MSST.
Patuloy naman ang pananalasa ng Kamaynila District IV-Mesalta sa tennis competition ng palarong ito na suportado ng Red Bull, San Miguel, Globe Telecoms, Solar Sports, Super Ferry, Milo, IntraSports, Concept Movers, PSC, PAGCOR at Air 21 matapos magsubi ng apat na gold kahapon ang Dist. 4-Mesalta mula kina Patrick Matawaran sa 10-under unisex, Zhane Quitara sa 15-under, ang pares nina Julie Base at Angelica Maramba sa 17-under girls doubles at ang tandem nina Rommel Opiniano at Charles Maneja boys 17-under doubles dagdag sa kanilang naunang limang ginto kamakalawa sa Rizal Tennis Center.(Ulat ni CVOchoa)