Pumukaw ng pansin sina Caluscusin at Wagan na naka-sweep ng sampung medalyang nakataya sa 13-15 years-old division ng womens rythmic gymnastics, Category 2 sa Rizal Memorial Coliseum.
Sa kabuuan, mayroon nang 16-gold medals, limang silvers at limang bronze ang Jose Abad-Binondo na umagaw ng overall leadership mula sa Tondo High School na napako sa walong ginto kasunod ang Barrio Obrero Elementary School na may 12-medals mula sa kanilang anim na gintong inani.
Komopo si Jean Caluscusin ng apat na gold mula sa rope, hoop, ball at individual all-around sa level 1 habang winalis naman ni Wagan ang Level 3 sa pagsubi ng ginto mula sa rope, hoop, ball, Ribbon at Individual All-around na siyang nagkaloob sa Jose Abad ng team champion-ship gold.
Ang limang silvers ng Jose Abad ay galing kay Bleau Berrey Gulfan na sumegunda kay Wagan sa lahat ng events sa level 3.
Sumandal naman ang Barrio Obrero kina Masami Shinoda at Rachelyn Astillas na nagsubi ng tigatlong ginto sa 12-under Category 1.
Nakuha ni Shinoda ang gold sa hoop, ball at individual all-around sa Level 2 gayundin si Astillas sa Level 3.
Nasa ikatlong puwesto ang A. C. Herrera Elem School na nakaku-ha ng tatlong ginto kahapon mula kay Ray Queen Herrera at Raizza Desiree Garcia at ang Team championships para sa kabuuang 8-12-10 gold-silver bronze produksiyon.
Patungo sa ikaapat na araw ng aksiyon ng Palatong ito na suportado ng Red Bull, San Miguel, Globe, Solar Sports, Milo, IntraSports, PSC, Pagcor at Air21, bumagsak sa ikaapat na puwesto ang dating leader na Tondo high sa kanilang 8-gold, 7-silver at tatlong bronze. (Ulat ni CVOchoa)