Tanaw na ng TJ Hotdogs ang panalo nang igawad kay Noy Castillo ang dalawang puntos nang tawagan ng goal tending si San Miguel import Chris Burgess upang makakalas ang Purefoods sa 68-all at hawakan ang 70-68 kalamangan, 22 segundo na lamang ang nalalabi oras sa laro.
Sinikap na depensahan ng Purefoods ang kanilang hawak na liderato ngunit nakawala ang matinik na si Hontiveros at pinakawalan nito ang kanyang game-winning triple na siyang susi sa ikapitong panalo ng Beermen matapos ang 10 pakikipaglaban na lalong nagpatatag sa kanila sa solong liderato.
Tumapos si Hontiveros ng may 9 puntos, 6 rebounds, 2 assists at 1 steal.
Lalong nalugmok ang Purefoods na lumasap ng kanilang ikalimang sunod na kabiguan sanhi ng kanilang pagdausdos sa 4-6 kartada.
Samantala, sa pagpapatuloy ng PBA Road game, dadako naman ang aksiyon sa Calape, Bohol kung saan magsasagupa ang No. 2 team na Talk N Text (5-3) at Red Bull (4-4).