Quezon City humakot ng tatlong ginto
April 20, 2005 | 12:00am
Umani ng tatlong gintong medalya ang Quezon City at nanguna sa isang special event gayundin si national mainstay Marites Bitbit sa Day Seven ng First Philippine Velo Challenge sa Amoranto Velodrome.
Tinangkang maghabol ng Elixir sa kanilang sinungkit na dalawang golds sa event na co-presented ng First Gentlemans Foundation at Air21 (Sagot Ko, Padala Mo!)-Tour Pilipinas Inc., sa iba pang koponan sa team event at umuwing tagumpay bawat isa sa 10 karerang nakatakda kahapon.
Naghari sa Elite mens si Paterno Curtan, Execu-tives Danny Quirido at Veterans Candido Quirimit sa Keirin races at Erickson Obosa na nanguna sa special event Danish Elimination Race para sa Quezon City na lumapit sa team standing na may 176 points sa likuran ng Elixir (215), Wescor (187), Puerto Princesa City (180) at MayniLA (177) at nauuna sa Tagaytay International Convention Center (98).
Humakot din ng dalawang ginto ang Elixir mula kay Bitbit sa womens Elite Keirin at individual time trial (1:05.48)-- para daigin si Marita Lucas ng MayniLA (1:08.26) at Lakambini Alto ng Puerto Princesa (1:12.16)-- sa event na suportado din ng Pagcor, Philippine Sports Commission and Philippine Olympic Committee, Isuzu D-Max (the Philippines No. 1 Pickup), Sharp Phils., San Miguel Corp.-Viva Mineral Water, Vittoria Tires, 93.9 iFM, RMN dzXL 558, Davids Salon at Intrasports .
Nakakuha naman si Jan Paul Morales ng gold para sa Tagaytay sa Juniors, Antonio Quintos ng Wescor sa Masters at Bryan Dimacali para sa Puerto Princesa sa mens Elite, lahat sa Keirin, habang ang MayniLA, na binubuo nina Michael Zingh, Noli Borjal, Jerwin Torres at Warren Davadilla ay bumandera sa 3,000 meters team pursuit para sa Executives, Masters, Juniors at Elite men na may oras na 3:59.47.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended