Manila Youth Games: Batang Tondo nangunguna
April 20, 2005 | 12:00am
Patungo sa ikatlong araw ng kompetisyon ng Manila Youth Games na ginaganap sa Rizal Memorial Complex, nangunguna na ang mga Batang Tondo.
Matapos ang kompetisyon sa dancesport at ang unang bahagi ng gymnastics, nakalikom na ang Tondo High School ng walong gintong medalya, pitong silver at tatlong bronze.
Hinakot ng tondo ang kanilang walong ginto mula sa gymnastics sa pangunguna nina Emil Limpo at John Vincent Aproda na nagsubi ng tigatlong gintong medalya.
Nakaipon naman ang Barrio Obrero Elementary School at ang J. Abad Santos-Binondo ng tig-anim na ginto kasunod ang A.C. Herrera Elem. School na may limang ginto at Ramon Magsay-say High School nagdo-mina ng dancesport competition matapos makopo ang apat sa anim na gold.
Sumandal naman ang Barrio Obrero Elem. School kina Deserie Saldana at Jean Rigayen na may tatlo at dalawang ginto ayon sa pagkakasunod.
Magpapatuloy ngayon ang ikalawang bahagi ng gymnastics competition habang magsisimula naman ang isa pang medal rich sport na swimming.
Sa ibat ibang ball games kahapon, nagpasiklab ang Carlos P. Garcia Elem. School sa table tennis competition kung saan anim na entry nila ang pumasok sa ikalawang round.
Lumusot din sa susunod na round ang tig-apat na entries ng UE at A. Luna.
Sa baseball, dinurog ng defending champion Villegas ang YDWB (Dis-trict 1), 16-0 habang binokya din ng Smokey Mountain ang BEATA, 7-0. Sa high-school softball, nanalo ang Magsay-say sa Maceda, 12-2. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended