300 players sali sa JVC Reginal tourney
April 19, 2005 | 12:00am
Mahigit 300 players mula sa walong probinsiya at Metro Manila ang maglalaban sa pangunahing pagtatanghal ng JVC Regional Badminton Championships ngayon kung saan may nakatayang cash prizes, trophies at puwesto para sa JVC Open Championships sa Excel Badminton Center sa San Fernando City, Pampanga.
Babanderahan nina Stanley Macaspac, Marc Yuzon ng Far Eastern U at ex-national team mainstay Fred Pormales ang pangunahing elite mens division habang sina Ma. Theresa Sebastian ng FEU at Annalyn Uy ng Cabanatuan City ang mangunguna sa kababaihan sa event na ito na itinatag ng electronic giant JVC para palawakin ang kanilang badminton program.
Papaluin nina San Fernando City Mayor Oscar Rodriguez, Provincial board member Ceferino Laus at Ms Kazue Salud, general manager of JVC (PHILS), Inc., ang ceremonial service sa ganap na alas-10 ng umaga sa kick-off ng event na humatak ng manlalaro mula sa Nueva Ecija, Pangasinan, Antipolo, Bulacan, Baguio, Tarlac at Pampanga at iba pa mula naman sa Manila.
Ang JVC regionals, na hatid ng Gosen, Cebu Pacific, Water Front Hotels, Lactacyd, Accel at inorganisa ng IMG, ay tutungo din sa Cebu, Davao at Bacolod. Ang Accel ang official outfitter at ang The STAR, Killer Bee, Pinoy Exchange ang mga media partners.
Para sa ilang detalye magbukas lamang sa website o mag-e-mail sa [email protected].

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am