^

PSN Palaro

4th Manila Youth Games: Tondo High School maagang nagparamdam

-
Agad nagparamdam ng kanilang presensiya ang Tondo National High School sa pagsisimula ng hostilidad ng 4th Manila Youth Games makaraang magbulsa ng walong gintong medalya sa gymnastics competition sa Rizal Gymnastics Hall.

Pinamunuan ng 13 anyos na si Emil Limpio, incoming freshman student ang kampanya ng nasabing paaralan makaraang kumulekta ng tatlong gintong medalya sa pangingibabaw sa horse vault, floor exercise at all-around individual sa 12-15 years old category.

"Ito po ang unang pagsali ko sa MY Games. Ang tatay ko pong si Erindo (welder) ang tumutulong sa akin para pasukin ang sports na ito," sabi ni Limpio.

Dinomina naman ni John Vincent Aproda, incoming senior high school student, ang 12 under level nang magtala din ito ng tatlong gintong medalya--una sa floor exercise, ikalawa sa horse vault at all-around individual.

"Si Bea (Lucero) po ang idol ko. Nagkaroon ako ng interes sa gym-nastics dahil po sa kanya,"wika naman ni Aproda.

Ang dalawa pang gold ay mula kay Erica Jane Pana sa girl’s individual all-around at balance beam ng women’s artisitc girl’s 13-15 level para sa kabuuan nilang walong gintong medalya habang sinusulat ang balitang ito.

Limang ginto naman ang isinubi ng Bario Obrero elementary School sa unang araw ng gymnastics event habang tigatlo naman ang Villegas National High School, A.C. Herrera School, C.E. S. District 1 at Gregorio Perfecto Elementary School.

Bumandera si Ron Ed Estrada para sa Gregorio Pecfecto High School nang humakot din ito ng tatlong ginto sa men’s division. Ang 17 anyos na si Estrada ay nangibabaw sa floor exercise sa kanyang 7.65 points, horse vault (7.65) at all-around event (15.30).

Samantala ang Araullo High School naman ang nagbida sa cheering competition matapos makalikom ng kabuuang 76.45 points laban sa paboritong Jose Abad Santos High School (73.75) at St. Scho-lastica’s College (63.75). (Ulat ni CvOchoa)

ARAULLO HIGH SCHOOL

BARIO OBRERO

EMIL LIMPIO

ERICA JANE PANA

GREGORIO PECFECTO HIGH SCHOOL

GREGORIO PERFECTO ELEMENTARY SCHOOL

HERRERA SCHOOL

JOHN VINCENT APRODA

JOSE ABAD SANTOS HIGH SCHOOL

SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with