Bigo man ang Pinoy jins dapat na ipagmalaki pa rin
April 19, 2005 | 12:00am
MADRID Malungkot na tinapos ng Philippine-Petron taekwondo team ang kanilang kampanya sa World Championship matapos na mabigo ang lahat ng 10 events na nilahukan ng Filipinos, gayunpaman, ipinagmamalaki pa rin ng Philippine Taekwondo Asso-ciation ang overall performance ng koponan at kumpiyansa sila na ang karanasang nakuha ng mga jins ay kanilang gagamitin build-up para sa nalalapit na Southeast Asian Games.
Nagpadala rin si PTA president Robert Aventajado ng mensaheng pagbati sa koponan sa pamamagitan ng pagtawag nito ng long distance matapos na matalo si Ernesto Mendoza sa isang mahigpitang laban kontra sa American sensation na si Mark Anthony Lopez, naka-babatang kapatid ni two-time Olympic champion Stephen.
Nakipaglaban si Mendoza na nagdiwang ng kanyang ika-20th kaarawan bago ang kanyang laban sa 6-foot-5 na si Lopez sa palitan ng ilang serye ng body kicks at hindi basta-basta sumuko kahit na nakuha na ng American ang dalawang puntos na kalamangan sa final round sa bisa ng 8-5 decision.
Nauna rito, natalo rin si Lorelie Catalan sa sudden death via superiority laban sa Brazilian na si Nunes Debora.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended