^

PSN Palaro

Barakos umamo sa Aces

-
Ipinagpag ng Alaska Aces ang pagod mula sa naka-raang out-of-town game at sumandal kay import Dickey Simpkins na patuloy sa pag-improve ng kanyang laro tungo sa 106-85 pananalasa sa Red Bull sa pag-usad kagabi ng eliminations ng Gran Matador-PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Matapos mag-average ng 20-puntos at 18.5 rebounds, umiskor si Simpkins ng 32-puntos, 17-rebounds bukod pa sa limang assists upang sundan ang kanilang 75-74 panalo laban sa Coca-Cola sa Bogo, Cebu at hatakin ang kanilang winning streak sa apat na sunod na panalo at ikalima sa siyam na laro.

Kinontrol ng Red Bull ang unang canto na kanilang tinapos sa 26-16 kalama-ngan ngunit humataw si Simpkins ng 10-puntos sa ikalawang quarter at 13-puntos sa sumunod na canto upang isulong ang Alaska sa 80-69 kalamangan papasok sa final canto.

Hindi na nakabawi pa ang Red Bull sa ikaapat na quar-ter na nabaon pa ng hang-gang 22-puntos sanhi ng kanilang ikalawang sunod na talo at ikaapat sa kabuuang walong laro.

Samantala, kasaluku-yang naglalaban pa ang Ginebra at San Miguel habang sinusulat ang bali-tang ito. (CVOchoa)

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

CEBU

COCA-COLA

DICKEY SIMPKINS

FIESTA CONFERENCE

GRAN MATADOR

RED BULL

SAN MIGUEL

SIMPKINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with