Noong unang binuo ang coaching staff ng koponan, hindi malinaw kung sino ang head coach, si Dong Vergeire o si Boyzie Zamar. Noong nakaraang buwan lamang napagpasyahan ng Basketball Association of the Philippines na si Zamar ang mamuno sa koponan. Samantala, nahirapan silang mag-hanap ng player, dahil ayaw magpahiram ang mga paaralan at ilang commercial leagues ng mga manlalaro nila.
Dalawa ngayon ang papel ni Zamar. Siya ang head coach ng RP Cebuana Lhuillier, at assistant coach ni Chot Reyes sa PBA Philippine team. Dahil dito, madali niyang naipapasa ang kanyang bagong kaalaman sa kanyang koponan, ang mapapabilis ang kanilang paghusay. Subalit, iisang buwan pa lamang niyang hinahasa ang kanyang mga player sa bago nilang sistema. Ika nga ni Reyes "Mahirap naman ipaliwanag sa tao iyon."
At hindi rin mauunawaan ng tao kung bakit pumangalawa lamang ang RP Cebuana sa isang minamaliit na torneo ng National Basketball Conference. Pero tandaan natin na walang point guard ang koponan. Sa loob ng isang buwan, kinuha ng Sta. Lucia Realtors ang team captain at starting center na si Ricky Calimag, at kinontrata naman ng Barangay Ginebra ang starting point guard na si Egay Echavez. Sa isang iglap, nawala ang dalawang pinakamatapang na player ng team.
Sa una nilang laro sa NBC pre-season tournament, napi-layan si Dennis Madrid. At hindi pa bumabalik mula sa kanyang honeymoon si BJ Manalo. Kaya, ubos ang mga guwardya ng team. Pero, gaya ng sabi ko, mahirap ipaliwanag iyon sa mga tao, hindi ba?
Nag-imbita ng mga iba pang player ang BAP upang lalong palakasin ang kanilang koponan. Pero sana, huwag nang manlait ang mga hindi naman tumutulong. Madali namang magbigay ng opinyon, e, lalo na kung makakatulong.
Pero mas maganda sana kung iwasan na ang pamemer-sonal, dahil wala naman itong naitutulong.
Malakas naman ang koponan natin, e. At, sa huling torneo, tinam-bakan nila lahat ng kalaban. Nadisgrasya lang sila noong huling laban, dahil nga walang nagdadala ng bola. Ngayong babalik na sina Madrid at Manalo, siguro tapos na ang problema.
Kailangan na lamang patunayan ng RP Cebuana Lhuillier na kaya nilang manalo, lalo na sa harap ng kahirapan. Iyon na lang ang kakalma sa mga pumupuna sa kanila.