PBL Unity Cup: Cardona bumandera sa Harbour Centre
April 17, 2005 | 12:00am
Muling bumandera ang La Salle hotshot na si Mac Cardona para sa bagitong Harbour Centre ngunit sa pagkakataong ito ay nakakuha ito ng suporta mula kina LA Tenorio at Magnum Membrere tungo sa kanilang 79-63 panalo laban sa Negros Navigation-San Beda sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBL Unity Cup sa FEU gym kaha-pon.
Tulad ng mga nakaraang laro, muling naasahan ng Port Masters si Cardona sa pagkamada ng 28-puntos ngunit malaking tulong ang ibinigay nina Tenorio at Membrere sa decisive run na naging daan sa pagsulong ng Harbour Centre sa ikatlong sunod na panalo matapos ang apat na laro.
Nakalapit ang Port Masters sa mga co-leaders na Montaña at Welcoat na parehong walang talo sa tatlong laro.
Nagtulong-tulong sina Cardona, Tenorio at Membrere sa eksplosibong 16-2 atake upang makakawala ang Port Masters mula sa 58-57 pagkakadikit ng iskor at umabante sa 74-59 kala-mangan papa-sok sa huling 2:05 minuto ng laro.
"Little by little, the boys know how to win towards the end. Nagkaroon na kami ng composure sa endgame," sambit ni Port Masters coach Tonichi Yturri.
Tumapos si Membrere ng 12 puntos at 11 kay Tenorio para sa Har-bour Centre na nagpalasap sa NENACO-San Beda ng kanilang ikaapat na sunod na kabiguan sa gayon ding dami ng laro. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended