Isang bukol sa kanyang dibdib ang pumigil sa kanyang pagti-training ng national team member na si Candelario ngunit sa likod nito ay nakapag-sumite ito ng pinakamabilis na oras na 48.17 segundo para kunin ang gintong medalya.
"Hindi ako makatakbo ng maayos kasi masakit ang dibdib ko pero okay lang. Kaya lang, hindi ko talaga gusto yung oras ko," pahayag ng 27-gulang na si Candelario na kumatawan ng Philippine Air Force-FEU.
Sumegunda ang kanyang kasamahang si Julius Nieras ng Philippine Airforce-FEU sa tiyempong 48.57 segundo para sa silver medal ikatlo si Rodrigo Tanuan ng Phil. Army sa oras na 48.63 segundo para sa bronze.
Naghatid din ng karangalan si Nixon Mas para sa PAF-FEU nang kumopo ito ng gintong medalya sa mens shotput matapos magsumite ng distansiyang 13.78 metro.
Naisubi naman ni Mercidita Manipol ng Philippine Navy ang gintong medalya mula sa womens 5,000m run sa oras na 17-minuto at 27.84 segundo.
Samantala, nagtala ang Far Eastern Univer-sity na binubuo nina Sharon Jizmundo, Ma. Arianne Lunasco, Riezel Buenaventura at Zara Deloa Virgo, ng bagong junior record sa 4x100 meter relay.
Nagsumite ang FEU ng 48.1 segundo, mas mabilis sa 48.7 segundong naitala ng Laguna Team A noong 2001. (Ulat ni CVOchoa)