^

PSN Palaro

Candelario, humarurot para sa ginto

-
Anim na buwang walang ensayo dahil sa isang aksidente at halos isang buwan lamang na nakapag-ensayo ngunit hindi ito naging balakid para sa trackster na si Ernie Candelario para makopo ang gintong medalya sa 400m run ng kasalukuyang 2005 National Open Track and Field International and Invitational Championships kahapon sa Rizal Memorial track oval.

Isang bukol sa kanyang dibdib ang pumigil sa kanyang pagti-training ng national team member na si Candelario ngunit sa likod nito ay nakapag-sumite ito ng pinakamabilis na oras na 48.17 segundo para kunin ang gintong medalya.

"Hindi ako makatakbo ng maayos kasi masakit ang dibdib ko pero okay lang. Kaya lang, hindi ko talaga gusto ‘yung oras ko," pahayag ng 27-gulang na si Candelario na kumatawan ng Philippine Air Force-FEU.

Sumegunda ang kanyang kasamahang si Julius Nieras ng Philippine Airforce-FEU sa tiyempong 48.57 segundo para sa silver medal ikatlo si Rodrigo Tanuan ng Phil. Army sa oras na 48.63 segundo para sa bronze.

Naghatid din ng karangalan si Nixon Mas para sa PAF-FEU nang kumopo ito ng gintong medalya sa men’s shotput matapos magsumite ng distansiyang 13.78 metro.

Naisubi naman ni Mercidita Manipol ng Philippine Navy ang gintong medalya mula sa women’s 5,000m run sa oras na 17-minuto at 27.84 segundo.

Samantala, nagtala ang Far Eastern Univer-sity na binubuo nina Sharon Jizmundo, Ma. Arianne Lunasco, Riezel Buenaventura at Zara Deloa Virgo, ng bagong junior record sa 4x100 meter relay.

Nagsumite ang FEU ng 48.1 segundo, mas mabilis sa 48.7 segundong naitala ng Laguna Team A noong 2001. (Ulat ni CVOchoa)

ARIANNE LUNASCO

CANDELARIO

ERNIE CANDELARIO

FAR EASTERN UNIVER

JULIUS NIERAS

LAGUNA TEAM A

MERCIDITA MANIPOL

NATIONAL OPEN TRACK AND FIELD INTERNATIONAL AND INVITATIONAL CHAMPIONSHIPS

NIXON MAS

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with