Atienza tumalon ng record-breaking gold
April 15, 2005 | 12:00am
Maagang nagpamalas ng impresibong performance si Narcisa Atienza nang agad sumungkit ng gintong medalya sa record-breaking na pagtalon habang muling nabigo si Ralph Waldy Soguillon na maitala ang bagong record sa 100m sa panimula ng 2005 Milo National Open Athletics Championships sa Rizal Memorial Track Oval.
Tumalon ng 1.78m si Atienza sa kanyang unang pagta-tangka na naging sapat upang lagpasan ang 1.75m na tinalon niya noong 2002 National Open.
Binura ni Soguillon ang national record sa isang heat para sa 100m run sa bilis na 10.1 second upang daigin ang hand-time mark ni Tokal Mokalam na 10.2.
Ngunit hindi ito maipagdiriwang ng 21 anyos na si Soguillon dahil ang kanyang tagumpay ay hindi kikilalanin bilang bagong standard dahil sa kombinasyon ng palyadong equipment at malakas na hangin.
May wind velocity na 2.3 knots ang naitala sa wind gauge na ginamit sa heat ni Soguillon na mababa sa standards, ayon kay Benjamin Silva-Netto, secretary-general ng Philippine Amateur Track and Field Association.
Naungusan ni Soguillon ang Thai na si Wongsala Seksan na may 10.6 segundo sa century dash. At dito natukoy na palyado ang photo finish camera na ginamit at hindi tugma sa electronic timers computer.
Gayunpaman, bagamat bigong kilalanin ang bagong marka ni Soguillon, pasok pa rin ito sa finals ng 100m.
Samantala, pumasok sa 100m dash finals ang nagbabalik na si Elma Muros-Posadas makarang pumangalawa sa heats kay 2003 Southeast Asian Games gold medalist Klomdee Oranut ng Thailand.
Nagrehistro ng 12.0 segundo ang Thai habang si Muros naman ay tumakbo sa bilis na 12.2 segundo.
Samantala, ang lady boxer na si Michelle Martinez ay sumubok naman sa shot put at matagumpay na nasungkit ang gintong medalya sa kanyang ibinato na 11.02m sa shot put event.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended