Nahaharap sa malaking pagkulapso matapos ang malaking 28 puntos na bentahe sa ikatlong quarter, unti-unting bumangon ang Energy Kings sa tulong ni Michael Holper sa final two minutes ng laro upang pigilan ang pag-babalik ng Negros at itala ang unang panalo matapos ang tatlong kabiguan.
Samantala, humingi ng paumanhin si PBL Commis-sioner Chino Trinidad sa pagsasabi niya na ang Basketball Association of the Philippines ay kontrolado ng cartel ng Chinese at sinabing hindi niya sinisiraan ang pagkatao ng mga Chinese.
Gayunpaman, sinabi din ni Trinidad na hindi niya babawiin ang kanyang panawagang buwagin ang basketball association at nagpa-hayag na maraming Pinoy na ang bigo sa kanilang panawagang pagbabago sa naturang asosasyon.
"I wish to apologize to some good-hearted and enlightened members of the Chinese community, including our past and present team owners in the PBL," anang batang executive.