^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Bacchus nalo din

-
Nalusutan ng Bacchus Energy Drinks ang malaking banta sa ikaapat na yugto ng laro tungo sa 67-59 panalo laban sa Negros Navigation-San Beda sa pagpapatuloy ng 2005 PBL Unity Cup sa FEU Gym.

Nahaharap sa malaking pagkulapso matapos ang malaking 28 puntos na bentahe sa ikatlong quarter, unti-unting bumangon ang Energy Kings sa tulong ni Michael Holper sa final two minutes ng laro upang pigilan ang pag-babalik ng Negros at itala ang unang panalo matapos ang tatlong kabiguan.

Samantala, humingi ng paumanhin si PBL Commis-sioner Chino Trinidad sa pagsasabi niya na ang Basketball Association of the Philippines ay kontrolado ng ‘cartel ng Chinese’ at sinabing hindi niya sinisiraan ang pagkatao ng mga Chinese.

Gayunpaman, sinabi din ni Trinidad na hindi niya babawiin ang kanyang panawagang buwagin ang basketball association at nagpa-hayag na maraming Pinoy na ang bigo sa kanilang panawagang pagbabago sa naturang asosasyon.

"I wish to apologize to some good-hearted and enlightened members of the Chinese community, including our past and present team owners in the PBL," anang batang executive.

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CHINO TRINIDAD

ENERGY KINGS

GAYUNPAMAN

MICHAEL HOLPER

NAHAHARAP

NALUSUTAN

NEGROS NAVIGATION-SAN BEDA

PINOY

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with