Beterano ng apat na PBA conference, magbabalik si Honeycutt sa Phones Pals sa kanilang pakikipagharap ngayon sa Purefoods TJ Hotdogs Gran Matador Brandy-PBA Fiesta Conference sa PhilSports Arena.
At sa pagbitiw ng jumpball sa ganap na alas-4:45 ng hapon, opisyal ng nasa ikalimang tournament si Honeycutt.
Sa katunayan ang Phone Pals ang huling koponang lumasap ng kabiguan sa torneo ngunit nasa gitna sila ng standings matapos matalo ng tatlo sa huling apat nilang laban at ito ay dahil hindi nila napakinabangan ng husto si Felix bilang import. Naging kapalit ng orihinal nilang import na si Earl Ike, mas hindi naging epektibo si Felix nang hindi nito natulungan ang Talk N Text sa kanilang huling dalawang laro laban sa Coca-Cola at FedEx.
Sa ikalawang laro, may tsansa na naman ang San Miguel na makuha ang solo liderato sa kanilang pakikipagtagpo sa FedEx.
Ang Beermen ay katabla ng Barangay Ginebra at Shell sa unahan sa kanilang magkakatulad na 5-3 baraha. (Ulat ni DMVillena)