Tanamor nakasiguro ng silver
April 13, 2005 | 12:00am
Siniguro ng nagbabalik na si Harry Tanamor na uuwi ang Philippine team na may dala na hindi bababa sa silver medal.
Isang araw matapos na ang koponan ay lumasap ng masaklap na kabiguan noong Linggo, inihakbang ni Tanamor ang kanyang kampanya patungo sa finals ng light flyweight championship bout sa 26th Kings Cup International Boxing Championships sa Bangkok, Thailand.
Nakipagsabayan ang 26-anyos na si Tanamor, isang Armyman mula sa Zamboanga City at ang tanging nalalabing miyembro ng six-man RP squad sa 18-team, 15 nation tournament sa palitan ng suntok upang itarak ang 30-22 panalo laban kay Arnon Pangleelad ng Thailand Team A noong Lunes sa semifinals.
Tangka ni Tanamor, bronze medalist sa 2003 World Championships at nag-iisang boxing medalist sa 2003 Southeast Asian Games sa Vietnam ang gintong medalya sa Martes sa kanyang paki-kipagsagupa kay Ramdhani Kamal ng Indonesia sa finals ng world-ranking tournament na ito na nilahukan ng 89 world-class boxers.
"Harrys victory more than made up for the sorry losses absorbed by his teammates in this tough tournament which lured the best boxers from the former members of the USSR as well as Asian and Middle East coun-tries. His victory over a Thai, in Thailand, really proved his worth in the team," pahayag ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Manny Lopez, na siya ring secretary general ng Federation of Asian Amateur Boxing (FAAB).
"He is ready for the Southeast Asian Games. He is peaking in time and showed that he is ready to fight again after seven months of hibernation," dagdag pa ni Lopez pa-tungkol sa sariling desis-yon ni Tanamor na mag-leave-of-absence matapos ang kanyang malam-yang kampanya sa Athens Olympic Games noong nakaraang taon.
Ang nasabing laban ay para lamang kay Tanamor na hindi basta-basta matatalo kahit na ang kasagupa niya ay mula sa miyembro ng host countrys at siya ang nagdikta ng tempo mula sa simula hanggang sa katapusan ng four-round match nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended