Tatlong powerhouse teams ang asignatura ng Gin Kings sa linggong ito at nalusutan na nila ang unang koponan, ang kanilang sister team na San Miguel Beer, 103-88 noong Linggo.
"Were lucky to get past San Miguel," pahayag ni Ginebra coach Siot Tanquingcen. "We are the worst team in turnovers but we improved in our last game. I just hope we will keep on improving."
"Were expecting a hard game," ani Tanquingcen na muling sasandal kina Eric Menk, Mark Caguioa, import Eddie Elisma at Sunday Salvacion na bumandera din para sa koponan sa kanilang nakaraang tagumpay.
Ang susunod na misyon ng Gin Kings ay ang Shell Velocity sa tampok na laro ngayon sa Big Dome sa dakong alas-7:35 ng gabi.
Ang nakaraang panalo ng Gin Kings ay ang ikatlong sunod na nag-luklok sa kanila sa pang-kalahatang pamumuno taglay ang 5-2 win-loss slate kasunod ang SMB na may 5-3 karta, at nais nilang mamintina ito.
Sa pambungad na laban, kapwa hangad ng Sta. Lucia Realty at Purefoods na makabangon sa kanilang sunud-sunod na talo sa alas-4:45 ng hapon. Ang TJ Hotdogs ay may two-game losing streak ngunit mas malala ang Realtors na may limang sunod na talo sanhi ng kanilang pangu-ngulelat sa 1-6 record. (Ulat ni CVOchoa)