^

PSN Palaro

Isapang malaking pagsubok,haharapin ng Ginebra

-
Nalusutan ng Ginebra ang unang pagsubok sa ‘killer stretch’ para sa linggong ito at ngayon ay panibagong hamon ang kanilang kakaharapin sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Tatlong powerhouse teams ang asignatura ng Gin Kings sa linggong ito at nalusutan na nila ang unang koponan, ang kanilang sister team na San Miguel Beer, 103-88 noong Linggo.

"We’re lucky to get past San Miguel," pahayag ni Ginebra coach Siot Tanquingcen. "We are the worst team in turnovers but we improved in our last game. I just hope we will keep on improving."

"We’re expecting a hard game," ani Tanquingcen na muling sasandal kina Eric Menk, Mark Caguioa, import Eddie Elisma at Sunday Salvacion na bumandera din para sa koponan sa kanilang nakaraang tagumpay.

Ang susunod na misyon ng Gin Kings ay ang Shell Velocity sa tampok na laro ngayon sa Big Dome sa dakong alas-7:35 ng gabi.

Ang nakaraang panalo ng Gin Kings ay ang ikatlong sunod na nag-luklok sa kanila sa pang-kalahatang pamumuno taglay ang 5-2 win-loss slate kasunod ang SMB na may 5-3 karta, at nais nilang mamintina ito.

Sa pambungad na laban, kapwa hangad ng Sta. Lucia Realty at Purefoods na makabangon sa kanilang sunud-sunod na talo sa alas-4:45 ng hapon. Ang TJ Hotdogs ay may two-game losing streak ngunit mas malala ang Realtors na may limang sunod na talo sanhi ng kanilang pangu-ngulelat sa 1-6 record. (Ulat ni CVOchoa)

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

EDDIE ELISMA

ERIC MENK

GIN KINGS

GINEBRA

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

LUCIA REALTY

MARK CAGUIOA

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with