^

PSN Palaro

Montana haharap sa malaking pagsubok

-
Para kay Montana coach Robert Sison, isang malaking pagsubok para sa kanyang koponan ang kanilang laban kontra sa Magnolia Ice Cream ngayong hapon sa pagdalaw ng PBL Unity Cup sa FEU gym.

"It’s going to be a tough game," pahayag ni Sison. "Our game against Magnolia will somehow gauge our strength this early and we see some flaws then we can correct it immediately."

Kung malulusutan ng Jewels ang Magnolia, masosolo nila ang pang-kalahatang pamumuno kung saan kasalukuyang kasosyo nila ang walang laro ngayong Welcoat Paints sa malinis na 2-0 win-loss slate.

Alas-4:00 ng hapon ang sagupaan ng Montana at Magnolia bilang tampok na laro ngayon habang ang baguhang Harbour Centre at Toyota Otis Letran naman ang maglalaban sa pambungad na laro sa alas-2:00 ng hapon.

Kasama naman ang Magnolia sa four-way-tie sa 1-1 kartada kabilang ang Granny Goose, Portmasters at ang Letran Knights.

Inaasahang magiging emosyonal ang labang ito para sa Montana dahil sa pag-alis ng team manager na si Clarence Aytona.

"I’m sad to leave Mon-tana and the league but I have to do it for the future of my kids. Still, I’ll come to the games from time to time and be the No. 1 cheerer of Montana and the PBL," ani Aytona na magbibitiw ding assistant coach ng koponan.

AYTONA

CLARENCE AYTONA

GRANNY GOOSE

HARBOUR CENTRE

LETRAN KNIGHTS

MAGNOLIA ICE CREAM

ROBERT SISON

TOYOTA OTIS LETRAN

UNITY CUP

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with