Hindi nakayanan ni Payla na makipagbugbugan sa 2003 World Cup champion na si Somjit Jongjohor ng Thailand nang ipalasap sa kanya ang 16-22 pagkatalo, habang binigyan naman ng leksiyon si Ferrer ng kanyang kalaban na si Russian Oleg Issarov na nilisan ang ibabaw ng lona bitbit ang Referee Stopped Con-test-Outscored na panalo sa loob lamang ng tatlong rounds.
Ang kambal na kabiguan ng Team Philippines ang nagdala na lamang sa nagbabalik na si Harry Tanamor na magdala ng bandila ng six-man squad kung saan nauna ng nagsipagyukod sina middleweight Francis Joven sa quarterfinals at rookie internationalists lightweight Anthony Marcial at bantamweight Rolando Magbanua sa prelimi-naries.
Si Tanamor ay nakakaseguro na ng bronze kung saan sasabak siya para sa silver o kayay pag-asinta ng gold sa Lunes ng gabi laban naman kay Arnon Pangleelad ng Thailand sa semifinals.
Habang si Ferrer ay magaang na ginapi ng Russian pug, taliwas naman kay Payla na pinatunayan nito na kaya niyang makipagbsayan ng pagpapalitan ng suntok laban sa Thai pug para manatiling nakadikit sa scoring.
"Payla put a gallant stand against the Thai, but the taller world champion was able to use full advantage of his long reach. Payla, bless his big heart, was able to score only through effective counter-punching during in fighting," pagmamanman ni Amateur Boxing Association of the Philippines president Manny Lopez.
Sa kanyang pagtapak sa semifinals, pinabagsak ni Tanamor si So Sok ng North Korea sa bisa ng RSC-OS (26-6 sa tatlong round) kanyang preliminary bout, bago diniskaril si Muanton Budee ng Thailand Team B, 30-15 sa quarterfinals.