^

PSN Palaro

Ginebra iiwan na ni Adducul

-
Anumang araw ay iiwanan na ni Romel Adducul ang Barangay Ginebra at lumipat sa ibang koponan at ang pinakamatunog na lilipatan ni Adducul ay ang Talk N Text Phone Pals na nagpahayag ng malaking interes sa kanya.

Ayon sa manager ni Adducul na si Ed Ponceja, pumayag na ang ma-nagement ng Gin Kings na pakawalan si Adducul matapos itong magsabi ng kanyang sentimiyento sa koponan.

Sinabi ni Adducul kay Ginebra coach Siot Tanquingcen na hindi na ito masaya sa koponan dahil sa kulang na playing time na ibinibigay sa kanya.

"Ang sabi n’ya (Tanquingcen) papayagan n’ya na ma-trade si Romel pero hindi sila ang hahanap ng makakapalit nito sa team. E matagal ng gustong kunin ni MVP (Manny V. Pangilinan) si Romel at willing naman silang ibigay kung sino ang hihinging kapalit ng Ginebra," pahayag ni Ponceja.

Ayon sa isang source, handang ibigay ng Talk N Text ang kahit na sinumang hingiin ng Ginebra bilang kapalit ng serbisyo ni Adducul.

Bukod sa Phone Pals, nagpahayag din ng interes ang Shell Turbochargers na handa ring magpaubaya ng kahit na sino sa kanilang player.

"Kesa naman sa kanila pa tuluyang masira ang career ni Romel, they might as well release him dun sa team na puwede siyang gamitin at maipakita naman kung ano talaga ang kanyang worth at magagawa para sa team," dagdag pa ni Ponceja. (Ulat ni CVO)

vuukle comment

ADDUCUL

AYON

BARANGAY GINEBRA

ED PONCEJA

GIN KINGS

GINEBRA

MANNY V

PHONE PALS

PONCEJA

ROMEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with