Mariano, Gonzales nagniningning pa rin
April 11, 2005 | 12:00am
Patuloy ang pagningning nina No. 55 Filipino GM Nelson Mariano II at No. 53 GM candidate Jayson Gonzales nang humatak ito ng draw sa kani-kanilang kalaban sa ikaanim na round ng 7th Dubai International Open Chess Championships sa Dubai Chess and Culture Club sa Dubai, United Arab Emirates.
Hawak ang puting piyesa, nakihati ng puntos ang 30 anyos na si Mariano kay No. 31 GM Mohamad Al-Modiahki ng Qatar matapos ang 54 moves ng Sicilian Defense, Chameleon Variation para sa naipon na 4.0 na puntos matapos ang anim na laro at makisosyo sa ika-18 hang-gang ika-40 na puwesto.
Habang itim na piyesa naman ang tangan ng 33 anyos na si Gonzales nang makipagdraw ito kay No. 5 Super GM Mikhail Kobalia ng Russia matapos ang 36 moves ng Old Indian Defense para makaipon ng 3.5 puntos at makisalo sa ika-41 hanggang ika-63 na puwesto.
Nagpakitang gilas din si No. 104 Dubai-based Pinoy Tony Molina matapos idiskaril si No. 130 FM Ishaq Saeed ng UAE para sa kanyang 3.0 puntos at umakyat sa ika-64 hanggang ika-91 na puwesto.
Samantala nakatikim din ng panalo ang natatanging Pinay chesser na si No. 128 WIM Cristine Rose Mariano para naman sa kanyang 1.5 puntos at makisawsaw sa ika-131 hanggang ika-140 na puwesto sa FIDE tournament na nilahukan ng 149 manlalaro mula sa 40 nasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended