Calacday-Dela Cruz umusad sa quarterfinals

Iginupo nina Jaimee Calac-day at Kimberly dela Cruz ang tambalang Jessa Sampang at Jessa de Leon, 15-11, 15-10 upang makasulong sa quarter-final round ng doubles event ng JVC Badminton Open Juniors Championships sa SM Fair-view.

Nakipagbuno din ang tambalang Lourdes Gaspar at Keeshalane Theodis sa first set bago naitala ang 15-13, 15-3 pamamayani laban kina May Pamorada at Dianne Reina para rin makaabante sa 14 years and under.

Ang pinapaborang pares nina Peter Magnaye-Ramon Guerrero at Randolph Balat-bat-Kelvin Panganiban ay humatak naman ng magka-kaibang tagumpay para ma-nguna sa quarterfinals sa boys side ng event na hatid ng JVC at SM Supermalls at suportado din ng Gosen, Alaska, Kenny Rogers, Epson, Pioneer Life, Chris Sports, Lactacyd, Power-Smash, Crystal Water, The STAR, Pinoy Exchange.com, Akari at Accel, ang official outfitter ng torneo.

Samantala, ang deadline para sa pagsusumite ng entries para sa Pampanga at Cebu legs ng JVC badminton regional tournament ay sa Abril 15. Ang Pampanga event ay nakatakda sa April 18-22 habang iho-host naman ng Cebu ang second leg sa April 25-29. Para sa ilang detalye, makipag-ugnayan sa (045) 860-9999/ 09183902134/ 0917 8120194 (sa Pampanga leg) at (032) 2333338/ (032) 234-4526 (sa Cebu).

Ang iba pang umusad sa quarterfinals sa event na nagsisilbi ding bahagi ng ginaganap na SM summer sports tour ay sina Alexandra Villarin-Pia Fabros, Zairee Mutia-Kiara Castelo, Gelita Castillo-Marie Espino, Luisa Villarin-Paula Villarin, Camille Young-Kristine Cornista, at Bianca Legaspi-Abigail Garcia.

Makakasama naman nina Magnaye-Guerrero at Balatbat-Panganiban tandems sa quarters ay sina Joseph Paredes at Kyle Vinarao, na tinalo sina Angel Navarro III at Jaime Lopez III, 15-1, 15-5; at Ian Bautista at JP Babad na dinispatsa sina John Redillosa at John Cagomoc, 15-0, 15-3.

Show comments