TM 9-Ball Champions League dadayo sa Pasig
April 10, 2005 | 12:00am
Palaki ng palaki ang pre-qualifying tournament ng TM 9-Ball Champions League sa pagtungo nito sa apat na lugar sa Pasig ngayon kung saan mismong si Congressman Dodot Jaworski ang mangunguna sa paghahanap ng batang mukha na maaring pumalit sa trono nina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante.
Personal na pamamahalaan ni Jaworski ang aktibidades na ikinalat sa palibot ng Lungsod na nakatakda sa covered courts ng Pinagbuhatan-Damayan, Santo-lan, PLP, at Ugong.
Ang registration ay magsisimula sa alas-10 ng umaga at ilalaro ng hanggang alas-4 ng hapon. Ang apat na finalists mula sa bawat lugar ay tutungo sa Ugong covered courts kung saan nakatakda ang mala-piyestang handaan ang magaganap sa alas-5 ng hapon bago ang championship para sa tsansang makapasok sa Pasig team. May kabuuang P22,000 ang ipamimi-gay na premyo para sa palarong hatid ng Touch Mobile, Accel at inorganisa ng Rocketman Inc. ni Ramon Tuason.
Ang unang qualifying ay ginanap sa Urdaneta, Pangasinan noong Biyernes at nilahukan ng humigit-kumulang sa 100 billiard players mula sa naturang probinsiya na naghahangad din na makasama sa Pangasinan team na umaasam sa P1M prize na inireserba para sa overall winner.
Personal ding pinamahalaan ni Cong. Mark Cojuangco ang pre-qualifying sa Pangasinan kung saan ginanap ang laro sa Urdaneta Sports Complex, Super Mario Billiard Hall sa Dagupan at Game Ko 'To Billiard Hall sa San Carlos, Pangasinan.
Ang event ay ipapalabas sa IBC-13 simula sa April 28 at tuwing Huwebes at Biyernes sa ganap na alas-9:30 hanggang alas-10:30 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended