Bustamante, kampeon sa Bali
April 10, 2005 | 12:00am
Nagpakatatag si Francisco Dango Bustamante hanggang sa matapos ang laban upang igupo si Mika Immonen ng Finland, 11-10 sa finals at maghari sa A Mild International Open sa Paradiso Bowling and Billiard Center sa Bali, Indonesia.
Ang tagumpay ay nagbigay sa dating world No. 1 na si Bustamante ng halagang $12,500 prem-yo at appearance fee sa torneong nilahukan ng mga pangunahing cue artists sa Asya at ilang pinakamahuhusay sa mundo.
Ngunit siniguro naman ni Immonen na pagpapawisan ng Pinoy ang lahat ng kanyang kikitain.
Naghabol sa halos lahat ng bahagi ng laro, bumangon si Immonen at naghabol kay Busta-mante hanggang makatabla ito sa iskor na 10-10.
Matapos maka-break sa laban, ibinulsa ni Immonen ang dalawang bola at iwan ang red three na nakabitin malapit sa pocket ngunit sinawimpalad na matalo makaraan ang masamang preparasyon sa No. 4.
Mas pinili ni Bustamante ang safety shot, na naging mahusay na ideya nang mag-blunder si Immonen at tuluyang iwan ang magaan na tira.
Nauna rito, tinalo ni Bustamante ang Vietnamese na si Luong Chi Dung, 9-2, habang ginapi naman ni Immonen si Chu Hung Ming ng Chinese Taipei, 9-1, sa magkahiwalay na duelo sa semis.
Ito ang ikalawang malaking tagumpay ni Bustamante sa rehiyon matapos nitong isukbit ang Hope P1 Million all-Filipino Billiards Open noong Pebrero.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended