^

PSN Palaro

Mindanao teams buo na rin

-
Maagang nasiguro ng University of Mindanao-Tagum (UM-T), Mindanao State University, UM-Davao (UM-D) at Ateneo De Davao University ang kanilang biyahe patungong Boracay matapos umiskor ng dalawang sunod na panalo sa men’s elimi-nations ng one-day Mindanao Leg ng 9th Nestea Beach Volleyball kahapon sa La Salle Greenhills sandcourts.

Dahil may walong teams lamang sa bawat division ng yugtong ito, ang top-four pagkatapos ng eliminations ay siyang uusad sa semifinals na gaganapin sa Boracay sa May-5-7 kung saan makakalaban nila ang mga qualifiers ng nakaraang Luzon at Mindanao leg para sa P100,000 na premyo.

Tinalo nina Raquelito Tayabas at Lowell Fabian ng UM-Tagum ang Western Mindanao State University, 21-13 bago nila inilampaso ang Xavier University, 21-7 habang di naman nagpadaig ang kanilang sister school na UM-Davao na binubuo nina Jason Juan at Dinri Yambao na nanalo rin sa Xavier, 21-4 at WMSU, 21-12.

Nakasiguro din sa semifinals ang MSU matapos mamayani laban sa Davao Doctors College, 21-10 at Maharlika Institute of Tech-nology (MIT), 21-16.

Kinailangang magbanat ng buto nina Galolleo Tuazon II at Ralph Abad ng ADDU laban sa MIT para maitakas ang 23-21 panalo bago igupo ang DDC, 21-10.

Pumasok din sa semifinals ang Mindanao State University tandem nina Rosnalyn Bertulfo at Lina Gampong matapos umiskor ng tatlong panalo sa women’s category.

Tinalo nila ang Western Mindanao State University, 21-16, Mindanao University, 21-8 bago naitakas ang 23-21 panalo laban sa UM-Tagum.

ATENEO DE DAVAO UNIVERSITY

BORACAY

DAVAO

DAVAO DOCTORS COLLEGE

DINRI YAMBAO

GALOLLEO TUAZON

MINDANAO

MINDANAO STATE UNIVERSITY

UNIVERSITY

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with