Binitbit ni Marites Bitbit ang Elixir ni PhilCycling MTB Commission chair-man Leo Magaway makaraang magreyna sa Elite womens 800-meter massed start final (isang minuto at 14 segundo) at sa 3,000 meters individual pursuit race (4:35.35).
Pinangunahan naman ni Jan Paul Morales, isa pang multi-gold medalist, ang TICC matapos ipako ang pangunahing puwesto sa Juniors 200-meter Keirin (13.02 seconds) at 3,000 meters individual pursuit race (4:00.29).
Matapos ang apat na araw ng karera na co-presented ng First Gentle-mans Foundation ni Atty. Jose Miguel Arroyo at Air21 (Sagot Ko, Padala Mo!)-Tour Pilipinas Inc., patuloy na dumidistansiya ang Elixir sa six-team field, sa hinakot na 128 points kasunod ang MayniLA (109), Quezon City (104) at Wescor Transformer Corp. (103).
Kinumpleto naman ng Puerto Princesa (96) at TICC (51) ang team standings ng Velo Challenge na suportado din ng PAGCOR at itina-taguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Isuzu D-Max (the Philippines No. 1 Pickup), Sharp Phils., San Miguel Corp.-Viva Mineral Water, Vittoria Tires, 93.9 iFM, RMN dzXL 558, Davids Salon at Intrasports.
Nagwagi din si Frederick Chua, kakampi ni Bitbit sa Elixir sa Executives 800-meter massed start (1:02.56 seconds) habang si Nilo Estayo, isa pang TICC first-placer, ang nanguna sa Elite mens 200-meter (12.27) ng Velo Challenge na may basbas ng PhilCycling.
Ang Quezon City ay kumuha ng dalawang ginto matapos magwagi si Can-dido Quirimit sa Veterans 800-meter massed start (1:21.41) at nag-first place naman ang Team QC sa Italian pursuit (2:29.39).
Si Alfie Catalan ng Wes-cor na nagrehistro ng best time na 12.01 seconds ang nagwagi sa Elite mens Keirin, Noli Borjal ng May-niLA, na naorasan ng 1:11.04 ang bumandera sa Masters 800-meter massed start.