^

PSN Palaro

Elixir, Tagaytay bumandera

-
Pumagitna ang Elixir Bike Shops at Tagaytay International Convention Center (TICC) na umookupa sa magkabilang panig ng team standings, at humakot ng tatlong gintong medalya bawat isa sa ikaapat na araw ng first Philippine Velo Challenge kahapon sa Amoranto Velodrome sa Quezon City.

Binitbit ni Marites Bitbit ang Elixir ni PhilCycling MTB Commission chair-man Leo Magaway makaraang magreyna sa Elite women’s 800-meter massed start final (isang minuto at 14 segundo) at sa 3,000 meters individual pursuit race (4:35.35).

Pinangunahan naman ni Jan Paul Morales, isa pang multi-gold medalist, ang TICC matapos ipako ang pangunahing puwesto sa Juniors 200-meter Keirin (13.02 seconds) at 3,000 meters individual pursuit race (4:00.29).

Matapos ang apat na araw ng karera na co-presented ng First Gentle-man’s Foundation ni Atty. Jose Miguel Arroyo at Air21 (Sagot Ko, Padala Mo!)-Tour Pilipinas Inc., patuloy na dumidistansiya ang Elixir sa six-team field, sa hinakot na 128 points kasunod ang MayniLA (109), Quezon City (104) at Wescor Transformer Corp. (103).

Kinumpleto naman ng Puerto Princesa (96) at TICC (51) ang team standings ng Velo Challenge na suportado din ng PAGCOR at itina-taguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Isuzu D-Max (the Philippines‚ No. 1 Pickup), Sharp Phils., San Miguel Corp.-Viva Mineral Water, Vittoria Tires, 93.9 iFM, RMN dzXL 558, David’s Salon at Intrasports.

Nagwagi din si Frederick Chua, kakampi ni Bitbit sa Elixir sa Executives 800-meter massed start (1:02.56 seconds) habang si Nilo Estayo, isa pang TICC first-placer, ang nanguna sa Elite men’s 200-meter (12.27) ng Velo Challenge na may basbas ng PhilCycling.

Ang Quezon City ay kumuha ng dalawang ginto matapos magwagi si Can-dido Quirimit sa Veterans 800-meter massed start (1:21.41) at nag-first place naman ang Team QC sa Italian pursuit (2:29.39).

Si Alfie Catalan ng Wes-cor na nagrehistro ng best time na 12.01 seconds ang nagwagi sa Elite men’s Keirin, Noli Borjal ng May-niLA, na naorasan ng 1:11.04 ang bumandera sa Masters 800-meter massed start.

AMORANTO VELODROME

ANG QUEZON CITY

ELIXIR BIKE SHOPS

FIRST GENTLE

FREDERICK CHUA

ISUZU D-MAX

JAN PAUL MORALES

JOSE MIGUEL ARROYO

QUEZON CITY

VELO CHALLENGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with