2005 National Bodybuilding Championship

Muling matutunghayan ang mga may kahanga-kahangang katawan para sa 2005 National Body Building Championship (Mr. and Ms. Philippines) sa Star Theater ng Star City Cultural Center of the Philippines sa Abril 30.

Ang nasabing event ay hawak ng dating Interna-tional Bodybuilding Fede-ration na ngayon ay International Bodybuilding and Body Fitness Sport Federation na.

Walong kategorya ang paglalabanan para sa Mr. Philippines 2005 -- 55kg, 60kg, 65kg, 70kg, 75kg, 80kg, at 90kg pataas at tatlong Ms. Philippines 2005 -- 52kg, 58kg, at pataas.

Si Michael Borinaga, ang hinirang na 2004 Mr. Philip-pines at Cristina Laureta, 2004 Ms. Philippines sa nakaraang edisyon ng torneong ito na inisponsoran ng Philippine Sports Commission, Health and Beyond, Gourmet Farms at pinamahalaan ng Philippine Bodybuilding Federation (PBBF). (Ulat ni Me-Ann Tayurang)

Show comments