^

PSN Palaro

Lipat bahay sa PSC

GAME NA! - GAME NA! Ni Bill Belasco -
Noong nakaraang buwan, isinulat ko ang tungkol sa paglilinis-bahay ni Commissioner Butch Ramirez sa Philippine Sports Commission. Ngayon naman, ang paglilipat-bahay ng halos 250 atleta mula sa Rizal Memorial Sports Complex papuntang PhilSports ang kanyang inaasikaso.

Noong mga nakaraang administrasyon, napabayaan ang mga dormitoryo para sa mga atleta sa PhilSports. Marami sa kanila ang nagsisiksikan sa Rizal Memorial, at nakasisira ito sa kanilang pagtulog, at kabuntot nito, sa kanilang pagsasanay. Sa mabilis na pagkilos ni Ramirez at ng kanyang bagong sports complex administrator na si Wilfredo Roldan, agad na naayos ang dose-dosenang mga kuwarto na dati pa dapat ginagamit ng ating mga atleta. Sa loob ng tatlong buwan, nagawa nila ang di nakaya ng iba sa tatlong taon.

Isipin na lang natin ang laki ng benepisyo nito sa mga atleta na nagsasanay sa athletics, swimming, diving, volleyball at iba pang sports. Malaking ginhawa para sa kanila ang makagamit ng bago’t malinis na tulugan, nang walang nakikipag-agawan ng lugar sa kanila. Mas makakatutok sila sa training, at napakalapit ng kanilang tutuluyan, lalo na pag-dating ng Southeast Asian Games.

Isa pang iniimbestigahan ni Ramirez ngayon ay ang talaan ng mga nangungupahan sa PSC para sa paggamit ng mga gusali at tanggapan sa loob ng PhilSports. Lingid sa kaalaman ng marami, may ilang paaralan at maraming tanggapan ang nakapuwesto roon, at hindi nila pagmamay-ari ang mga gusali’t kuwarto na kanilang ginagamit. Sinu-sino nga ba ang may utang sa ating pamahalaan?

Naayos na rin ni Ramirez at Roldan ang suliranin sa tubig at kuryente. Ang una ay problema lamang ng katamaran kaya nagtagal, samantalang ang pangalawa ay masasabing bunga ng katiwalian, subalit di pa natatagpuan kung kanino. Maganda na rin ang kapaligiran ng PhilSports: luntian na uli ang damuhan, may mga halaman, at natanggal na ang mga karatula’t patalastas ng mga kompanyang hindi pala nagbabayad sa pamahalaan ng upa.

Tumulak kahapon si Ramirez papunta Tsina, upang plantsahin ang isang bilateral agreement sa pamahalaan ng bansang iyon, para maaari tayong magpadala ng coach at atleta doon, at sila naman ay maaaring magpadala ng coach dito. Nakailang balik na rin si Ramirez doon, upang asikasuhin ang ilang kasunduan na magpapalakas sa pangkalahatang programa natin sa sports. Kung tutuusin, ang China na ang bansang kinatatakutan sa kinabukasan, maging ng USA. Itinatayang sa ilang taon lamang, hihigitan na ng China ang mga iba pang kinikilalang superpowers sa sports.

Mainam lamang na sa maagang panahong ito, makipag-kaibigan tayo sa natutulog na higante, kaysa maging kaaway nito pag nagising.

COMMISSIONER BUTCH RAMIREZ

ISA

NOONG

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RAMIREZ

RIZAL MEMORIAL

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SOUTHEAST ASIAN GAMES

WILFREDO ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with