Gran Matador PBA Fiesta Cup: Asaytono may ibubuga pa
April 7, 2005 | 12:00am
Binigyang kulay ng beteranong si Nelson Asaytono ang 98-89 panalo ng Batang Red Bull laban sa Shell Velocity nang umakyat ito bilang ikalima sa all-time scoring list ng Philippine Basketball Association sa Gran Matdor PBA Fiesta Cup sa Araneta Coliseum, kagabi.
Tumapos ang 38-gulang na si Asaytono ng 17-puntos sa kanyang 6-of-9 field goal shooting at 4-of-4 foul throw para makalikom ng kabuuang 12,084 puntos sa kanyang 17-taong paglalaro.
"Masayang-masaya ako at naabot ko pa ito kahit masyado nang maraming players," wika ni Asaytono na siyang tanging manlalaro na walang Most Valuable Player title na nasa Top-Five na kinabibilangan nina Ramon Fernandez (18,996 puntos), Abet Guidaben (15,775) at Alvin Patrimonio (15,091).
Bukod sa impresibong performance ni Asaytono, sinabi ni coach Yeng Guiao na naging susi ng kanilang tagumpay ang kanilang paglimita sa eksplosibong import ng Shell na si Wesley Wilson na umiiskor ng 40-puntos sa nagdaang laro at ang kanilang outside shooting.
Matapos mag-average ng 35.3 puntos kada-laro at 17.5 rebounds, tumapos lamang si Wilson ng 17-puntos at pitong rebounds na nakatulong sa pagsulong ng Barakos sa ikalawang sunod na panalo, ikaapat sa kabuuang anim na laro na naghanay sa kanila sa pakikisalo sa San Miguel at Purefoods sa liderato habang bumagsak naman ang Turbo Chargers sa 4-3 karta.
Samantala, magku-krus ang landas ng sister teams na San Miguel Beer at Purefoods TJ Hotdogs sa pagdako ng aksiyon sa General San-tos City ngayon kung saan nakataya ang para sa solong pamumuno.
Babasagin ng TJ Hotdogs at ng SMBeer ang kanilang pagtatabla sa 4-2 win-loss record sa alas-6:15 ng hapong labanan sa Lagao gym-nacium.
Parehong galing sa talo ang San Miguel at Purefoods at inaasahang pangungunahan ni import Chris Burgess ang Beermen at Antonio Smith ng Purefoods upang makabawi sa kanilang nakaraang kabiguan. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am