Pero lately, umiigting na rin ang tsismis na pumapasok sa eksena si James Yap.
Balita, nagkaroon daw ng problema si Romel at si Kris dahil nga umalingawngaw naman ang balitang nagkaroon na dapat ng kasalan si Adducul pero naudlot lang dahil nga kay Kris.
Siyempre naman, ayaw ni Kris yan kapag ganyan nga ang sitwasyon.
Bigla nga itong na-abort kaya pala, okay na ring maglabasan ang mga tsismis na sina Romel at Kris nga.
Ako man ay nagulat nung mabasa ko ang relasyon diumano nina Kris at Romel dahil nga sa buong akala ko, ikakasal na si Romel kay Donna.
Yun pala, na abort na ang wedding plans.
For a while, may mga balitang magpo-pro na si LA.
Sa tingin ko, puwede na sa PBA si LA at maiintindihan na dapat ng mga fans ng Ateneo kung sakaling mag-decide si LA na umakyat na sa PBA this year.
Pero nagbago ang isip niya kaya makikita pa natin si LA sa Ateneo line-up this year.
Mabuti naman.....
Kaya maraming tao sa coliseum.
Buti pa sa PBL...
Kasali ang team ni Anjo Yllana at players niya sina Paul Alvarez, Richard Gomez at Wendell Ramos.
Tiyak na maraming manonood kapag naglalaro na ang Parañaque Jets.
Nais ko lang ding batiin ang mababait na staff ng PM Insurance dyan sa malapit sa LTO office sa may Laong Laan. Nagbabasa pala sila lagi ng Pilipino Star Ngayon.
At sa lahat ng djs and staff ng Love Radio 90.7 fm station, lagi rin silang may PSN copies araw araw sa office nila.