Ito ang dahilan kung bakit isa sila sa mga koponang dapat katakutan sa nalalapit na PBL Unity Cup na magbubukas sa Sabado sa Makati Coliseum.
Masasabing may talent ang Snackmasters dahil sa mga shooters na sina Jeff Latonio, Dennis Concha, Jireh Ibañes, Ian Saladaga at Marvin Cruz.
May kakayahan ang Snackmasters na magpaka-wala ng tres sa kahit na anong sitwasyon at kung hindi man sila maging epektibo sa tres, dito papasok ang kanilang reinforcement na isinagawa.
Solido na rin sa middle ang Snackmasters dahil sa top shot blocker na si JR Quiñahan kasama sina Alfie Grijaldo, Abby Santos, Marvin Mercado, Jam Alfad at Nestor David.
Ang pagpasok ni Chris Guerrero, ayon kay coach Jun Tan, ay karagdagan sa kanilang perimeter shoot-ing at komportable din ito sa paglalaro sa post.
Inaasahang pangungunahan naman ni Toti Almeda ang scoring ng koponan ngunit kailangan pa rin ng Granny Goose na maging agresibo.
"We have to play a lot smarter this time, malalakas ang mga teams ngayon," sabi ni Tan. "Dapat mas aggressive kami ngayon."
Ang fourth place finish para sa isang rookie team ay isa nang malaking accomplishment ngunit dahil mayroon nang karanasan ang Snackmasters, higit silang magiging mapanganib sa kumperensiyang ito.