^

PSN Palaro

Granny Goose dapat bantayan

-
Kahit fourth place lamang ang kinaya ng Granny Goose noong nakaraang taon, isang magandang pagtatapos ito para sa kanilang debut conference sa Philippine Basketball League.

Ito ang dahilan kung bakit isa sila sa mga koponang dapat katakutan sa nalalapit na PBL Unity Cup na magbubukas sa Sabado sa Makati Coliseum.

Masasabing may talent ang Snackmasters dahil sa mga shooters na sina Jeff Latonio, Dennis Concha, Jireh Ibañes, Ian Saladaga at Marvin Cruz.

May kakayahan ang Snackmasters na magpaka-wala ng tres sa kahit na anong sitwasyon at kung hindi man sila maging epektibo sa tres, dito papasok ang kanilang reinforcement na isinagawa.

Solido na rin sa middle ang Snackmasters dahil sa top shot blocker na si JR Quiñahan kasama sina Alfie Grijaldo, Abby Santos, Marvin Mercado, Jam Alfad at Nestor David.

Ang pagpasok ni Chris Guerrero, ayon kay coach Jun Tan, ay karagdagan sa kanilang perimeter shoot-ing at komportable din ito sa paglalaro sa post.

Inaasahang pangungunahan naman ni Toti Almeda ang scoring ng koponan ngunit kailangan pa rin ng Granny Goose na maging agresibo.

"We have to play a lot smarter this time, malalakas ang mga teams ngayon," sabi ni Tan. "Dapat mas aggressive kami ngayon."

Ang fourth place finish para sa isang rookie team ay isa nang malaking accomplishment ngunit dahil mayroon nang karanasan ang Snackmasters, higit silang magiging mapanganib sa kumperensiyang ito.

ABBY SANTOS

ALFIE GRIJALDO

CHRIS GUERRERO

DENNIS CONCHA

GRANNY GOOSE

IAN SALADAGA

JAM ALFAD

JEFF LATONIO

JIREH IBA

SNACKMASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with