^

PSN Palaro

Wala nang natirang Pinoy

-
Isa-isang nasibak ang mga local bets sa ikalawang round pa lamang ng 16th Mitsubishi Lancer International Juniors Tennis Champion-ships na ginaganap sa Rizal Memorial Tennis Courts kahapon.

Naubos ang limang natitirang Junior netters sa boys singles habang nasibak din ang dalawa pang local bets sa girls division kung saan tanging si Anja Vaness Peter na lamang ang natitira na kasalukuyan pang nakikipag-laban habang sinusulat ang balitang ito.

Walang nakaporma sa mga seeded na mga kalaban sa mga Pinoy.

Ang top Filipino tennister ng bansa na si Joshua Dandan, No. 236 sa International Tennis Federation Ranking, ay sinibak ng 11th seed na si Xiao Peng Lai ng Hong Kong, 6-3, 6-1.

Hindi rin nakaporma sina Michael Basco laban sa top seed na si Vivek Shokeen ng India, 6-1, 6-1; Angelo James Patrimonio laban kay 16th seed Jiri Kosler ng Czechoslovakia, 6-4, 6-2; Russel Arcilla Jr. laban kay seventh seed Martin Sayer ng Hongkong, 6-0, 6-2; at Pablo Olivarez II laban kay 12th pick To-mas Habsuda ng Australia, 7-6 (2), 6-1.

Sa girls singles, nasibak naman si Michelle Pang ng 13th seed na si Sandhya Nagraj, 6-0, 6-0 habang tinalo naman si Noelle Zoleta ni third seed Wen Hsin Hsu ng Taipei, 6-1, 6-1.

Kalaban ni Peter kahapon si Ellen Barry ng New Zealand na 14th seed sa kanyang No. 107 world rankings.

Pumukaw naman ng pansin si Gregorry Gumbs ng France na ika-299 sa buong mundo nang itala nito ang pina-kamalaking upset nang kanyang gulantangin ang second seed na si Myles Blake ng Great Britain, 6-4, 6-4.

Sa girls singles, naging magaan naman ang panalo ng top pick na si Yung Jan No. 7 sa mundo kay Maya Geve-rova ng Russia (No. 125), 6-3, 6-0. (Ulat ni CVOchoa)

ANGELO JAMES PATRIMONIO

ANJA VANESS PETER

ELLEN BARRY

GREAT BRITAIN

GREGORRY GUMBS

HONG KONG

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION RANKING

JIRI KOSLER

JOSHUA DANDAN

SEED

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with