Hindi sana sa kaban ng bayan galing ang ipinambayad
March 29, 2005 | 12:00am
Tapos na ang Holy Week. Pero sana huwag mabalewala ang lahat ng ating pangingilin. Sana lagi nating isipin ang mga pasakit na dinanas ni Kristo para sa atin hindi lamang tuwing Semana Santa.
Balik na ang lahat sa normal na buhay. Pati na rin siyempre sa larangan ng isports.
Balik na ang PBA sa Miyerkules. Ngayon lamang walang laro ang PBA sa Easter Sunday. Nakasanayan na rin ng marami na may laro ang araw na iyon pero ngayon ay wala. Marami nga ang nagtatanong bakit? Pero, hindi ko rin alam. Ang sagot ko nga lang yun ang nakalagay sa schedule nilang ipinamahagi sa lahat ng diyaryo.
Nakabalik na si Manny Pacquiao. Pero siyempre dumiretso muna ito sa kanila sa General Santos upang makita muna ang kanyang ina na na-high blood makaraang mabalitaan ang kabiguan ng kanyang mahal na anak. Pero sa ngayon okay na siya kaya tiyak nag-happy-happy ang buong family.
Speaking of Manny, sinasabi na inonse ito ng kanyang American promoter na si Murad Muhammad. Ayon kay Manny mas malaki pa ang tinanggap ng Amerikano kaysa sa kanya na tumanggap ng suntok at hirap na nakipagboksing sa Mexicanong si Erik Morales.
Sana maging leksiyon na rin ito kay Manny. Sana naman huwag din siyang lokohin ng kanyang bagong manager-- ang Amerikanong si Shelly Finkel.
Anyway, welcome back Manny!
Sa pagbabalik ni Manny dito sa Pinas, tiyak na nagbalik na rin ang may 31 kongresista at senador na nagtungo sa Las Vegas para mapanood ang tinaguriang Fight of the Year".
Pero curious lang ako, sino nga kaya yung Pinoy na nanuluyan sa MGM Grand na worth isang milyon ang kuwarto?
Tinanong ko nga yung sportswriter ng Phil. Star na si Abac Cordero (pasalubong ko?) kung sino pero ayaw naman sabihin kung sino dahil hindi naman daw kumpirmado yung tsismis.
Gayunpaman, grabe ha kung totoo nga ito? Saan naman kinuha ang pambayad? Sana hindi sa kaban ng bayan.
Wish ko lang.
Happy birthday nga pala sa aking mother na si Mimi Citco (March 29), Melissa Lian Samio (March 29) at my sister Dorothy Balisi (March 30)
Balik na ang PBA sa Miyerkules. Ngayon lamang walang laro ang PBA sa Easter Sunday. Nakasanayan na rin ng marami na may laro ang araw na iyon pero ngayon ay wala. Marami nga ang nagtatanong bakit? Pero, hindi ko rin alam. Ang sagot ko nga lang yun ang nakalagay sa schedule nilang ipinamahagi sa lahat ng diyaryo.
Sana maging leksiyon na rin ito kay Manny. Sana naman huwag din siyang lokohin ng kanyang bagong manager-- ang Amerikanong si Shelly Finkel.
Anyway, welcome back Manny!
Pero curious lang ako, sino nga kaya yung Pinoy na nanuluyan sa MGM Grand na worth isang milyon ang kuwarto?
Tinanong ko nga yung sportswriter ng Phil. Star na si Abac Cordero (pasalubong ko?) kung sino pero ayaw naman sabihin kung sino dahil hindi naman daw kumpirmado yung tsismis.
Gayunpaman, grabe ha kung totoo nga ito? Saan naman kinuha ang pambayad? Sana hindi sa kaban ng bayan.
Wish ko lang.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended