Pinangunahan ng magkapatid na Patrimonio ang pagmartsa ng mga local junior netters sa main draw sa pormal na pagsisimula ng kompetisyon ngayon.
Bukod kay Angelo na tinalo ang isa pang local bet na si Juan Fidel Regis, 7-6 (5), 6-2, umusad din sina Joshua Tan Ho, Christian Canlas, Jandrick de Castro at Nestor Celestino Jr., sa boys singles.
Tinalo ni Tan Ho si Reynold Padigos, 6-0, 6-2; dinispatsa ni Canlas si Jose Loren Opulencia; ginapi ni De Castro si Ryan Daza, 6-3, 6-1 at inabot ng tatlong sets si Celestino bago pinatalsik si Dil Halvar ng Netherlands.
Hindi naman pinagpawisan ang babaeng anak ni Patrimonio na si Anna Christine nang umusad ito sa main draw ng girls singles sa pamamagitan ng walk over na panalo kay Julie Em Botor at makasama nito na kakampanya para sa bansa si Michelle Pang na nanaig sa Japanese netter na si Ayumi Yoshida, 6-4, 6-1.
Ang iba pang qualifiers ay sina Michael Motyka ng Slovakia sa boys division at Japanese Erina Kinuchi, Canadian Eunice David, Australian Kristina Pojkovic at American Zena Williams sa girls division. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)