Asian record sa half marathon nalampasan ni Vertek

Nagpamalas ang long distance runner na si Eduardo Buenavista ng kahanga-hangang performance sa isang karera sa South Korea noong Linggo para lampasan nito ang Asian record sa half marathon.

Base sa mga ulat na nakakarating kay Philippine Amateur Track and Field Association president Go Teng Kok, ang tiyempong naitala ni Buenavista sa isang karera sa South Korea noong Linggo ay mas mabilis ng ilang segundo sa record ng isang Japanese runner.

Nagsumite si Buenavista, nagsubi ng $4,000 (mahigit P220,000) ng isang oras, tatlong minuto at 42 segundo na kasalukuyan pang kinu-kumpirma ng mga organizers.

Dahil dito, si Buenavista ang may pinakamagandang performance sa mga Southeast Asian runners at kahanay nito ang mga mananakbo mula sa mga powerhouse na Japan at Korea sa fourth-to-sixth place sa karerang dinomina ng isang entry mula sa Kenya, kilalang bansa sa long distance races.

"This is a superb response to the sponsores of athletics. It is clear now that our athletes do not concern themselves with the incentives but with the trust of people and institutions who show the willingness to provide them with sound opportunities," wika ni Go.

Ang partisipasyon ni Buenavista sa South Korean race ay ang ikalawang international exposure para sa athletics association sa tulong ng San Miguel Corp. at PAGCOR na sumu-suporta sa Gintong Medalya foundation ni First Gentleman Miguel Arroyo. (Ulat ni CVOchoa)

Show comments