Si Lorenzo ang nagma-may-ari ng Asian Games (1982, New Delhi) bronze medal, tatlong Asian Cham-pionships bronze medals noong 1983, 1985 at 1987; dalawang gold medals sa tatlong SEA Games edition at nakapaglista ng ilang rekords sa Asian at World Cham-pionships. Lahat ng medalya at records ay pawang sa track.
Nakuha naman ni Del Mundo ang kanyang ranggo sa UCI-supervised course sa Manila noong 1980 at sa UCI international commisaires course noong 1995 sa Ipoh, Malaysia. Si Del Mundo ay dalubhasa sa track at road event.
Tulad nila, ang multi-titled na si Joselito Santos, kasalukuyang miyembro ng National coaching staff para sa 23rd Southeast Asian Games hawak ang track events at Domingo Villanueva, Renato Mier at Renato Dolosa, lahat pawang mga dating kampeon sa road at track ang makakasama nina Lorenzo at Del Mundo sa listahan ng opisyal sa event na co-presented ng First Gentlemans Foundation at Air21 at Tour Pilipinas Inc. at suportado ng Pagcor, Quezon City Mayor Sonny Belmonte at binabak-apan ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Isuzu D-Max (No. 1 Pickup sa bansa), Sharp Phils., San Miguel Corp., dzSR Sports Radio 918 khz, Vittoria Tires, 93.9 iFM, RMN dzXL 558, Davids Salon at Intrasports.
Nasa listahan din sina Gerardo Amar at Candido Querimit bilang opisyal ng Velo Challenge kung saan nagpahayag ng suporta ang Davids Salon, palagiang tumutu-long sa womens cycling sa bansa, sa pagpapa-raffle ng mga gift certificates sa mga fans na mano-nood ng Velo Challenge sa mga susunod na karera nila sa April 2, 7, 12, 14, 19 at 26; at May 3 at 7.
Gaganap din ng signipikan-teng papel sina PhilCycling track commission chairman Carlos Gredonia at vice chairman Albert Garcia at vice president - Minda-nao Jojo Villa sa pamamahala ng Velo Challenge.
Papasok sa ikatlong araw ng karera ngayong Sabado, nangu-nguna ang team ni Leo Magaway na Elixir sa team race na may 64 points, kasunod ang MayniLA na may 59 at Quezon City na may 56. Ang Wescor, Puerto Princesa City at Tagaytay City naman ang kumukumpleto sa six-team cast.