Umakyat na sa pro league si Tolomia na isang malaking kabawasan sa Welcoat ngunit hindi ito na-ngangahulugang naba-wasan ang talent, expe-rience at toughness ng koponan.
Naririyan pa rin ang 6-foot-9 Fil-Am na si Anthony Washington, na hindi lamang epektibong post-up player kundi matinik rin sa three-point range.
Makakatulong ni Wa-shington ang ilang players na nais gumawa ng pangalan sa PBL gaya ni Jay-Ar Coching at NCAA MVP Leo Najorda.
May limang titulo na ang Welcoat ngunit nais nilang makabawi sa kanilang pag-kabigo laban sa Montana sa nakaraang Champions Cup.
Matapos makipag-tie-up sa College of St. Benilde, mas athletic na ang koponan ng Welcoat matapos kunin ni coach Caloy Garcia ang ilang CSB players na sina point-guard Paolo Orbeta, sweet-shooting Carlo Manding at Jay Sagad.
Walang problema sa point guard positions ang Paint Masters dahil naririyan ang mga beteranong sina Eugene Tan at Ryan Dy at magiging malaking tulong din sina Jay-Arr Estrada, Marvin Ortiguerra, Allan Gamboa at mga Mapua stars na sina Christian Guevarra at Erwin Sta. Maria.
Inaasahang magbibigay ng malaking determinasyon sa Paint Masters ang kani-lang pagkauhaw sa titulo na huli nilang natikman noong 2001 at sunud-sunod na ang kanilang naging kamalasan.