Reyes, pinakamalakas kumita

Matapos ang unang tatlong buwan ng taong 2005, nangunguna sa listahan ng money list ng website na azbilliards.com ang No. 1 na pambatong cue artist ng bansa na si Efren ‘Bata’ Reyes.

Apat na tor-neo ang pi-nagharian ni Reyes, tatlo sa apat na Derby City Classic Tournament sa United States noong nakaraang Enero at ang Japan Open at noong nakaraang linggo lamang ay sa Japan Open.

Sa kasalukuyan, si Reyes ay mayroon nang $60,916 (mahigit sa P3-milyon) para pangunahan ang listahan ng top-20 players kasunod ang U.S. bet na si Corey Deuel habang dalawa pang Pinoy ang pumasok sa top-five na sina Alex Pagulayan at Francisco ‘Django’ Bustamante.

Si Deuel ay may naipon nang $23,482 para sumegunda kay Reyes habang ang Fil-Canadian na si Pagu-layan, ang hari ng World Pool Championships noong nakaraang taon ay di nalalayo sa kanyang $23,324 earnings para sa tersera na posisyon.

Nasa ikaapat na pu-westo naman si Busta-mante sa kanyang nai-pon na $22,272 kasunod si Brian Gregg na may $12,310.

Nagbulsa si Reyes ng kabuuang $43,848 mula sa Derby City Classic matapos magkampeon sa One Pocket ($10,000), 9-ball ($13,484) at sa Masters of the Table ($20,000) at $14,000 naman ang kanyang naisubi mula sa naka-raang Japan Open kung saan tinalo nito si Dennis Orcullo.

Nakaipon din si Reyes mula sa fourth place finish sa UPA US Tour Cham-pion-ships ($3,000) at 14th place ng Derby City Classic Bank Division ($435).

Ang winnings naman ni Pagulayan na naka-base sa Ontario, Toronto, ay sa Derby City Classic Tournaments kung saan nagkampeon ito sa Ring 10-Ball ($18,000), 8th place finish sa One Pocket ($950), 20th place sa Bank Division ($310) at 38th place sa 9-Ball habang runner-up naman ito sa All-Filipino Billiard Open noong Pebrero dito sa bansa ($3,712).

Ang pinakamalaking pa-nalo naman ni Bustamante ay ang paghahari nito sa All-Filipino tournament kung saan naisubi niya ang $9,280 at sa Weert Open 10-Ball Ring noong Enero sa Nether-lands na may premyong $8,000 at $650 mula sa 9-Ball competition.

Nagsubi din si Busta-mante ng $1,642 sa 9-ball at $1,800 sa Bank Division ng Derby City Classic dagdag ang $900 earnings mula sa 13th place finish ng UPA Pro Tour Championships.

Show comments