Kasama ni De Luna na sasargo sa Qualifying round na gaganapin naman sa Bowling Inn Billiard Hall, Taft Avenue, Manila ngayong alas-10:00 ng umaga ay kapwa miyembro ng RVA billiard association of the Philippines na sina Ramon Mistica, Israel Rota, Richard Aguillar, Anthony Bernardino, George Dacer, Romeo Del Rosario, Victor Arpilleda, Pablo Lasola, Mark Mendoza, Nelson Novero, Carlito Velarde, Jundel Mazon, Arnold Ignacio, Ernesto Boy Reyes at Crisanto Villanueva.
Sinabi ni Ish Caparas ng Puyat Sports na awtomatikong seeded sa Final 16 sina Japan Open winner Efren "Bata" Reyes, defending champion Francisco "Django" Bustamante, reigning world champion Alex "The Lion" Pagulayan, SMB Asian 9-ball tour (Singapore leg) ruler Gandy Valle, Lee Van Corteza, Antonio Gabica, Warren Kiamco at Rodolfo Luat.
Ang magkakampeon sa nasabing torneong ito ay tatanggap ng P500,000 na ang main sponsor ay ang Hope the luxury cigarettes, na inorganisa naman nina Puyat Sports boss Aristeo "Putch" Puyat at Jemah Television president Marc Roces sa pakikipagtulungan ng Games and Amusement Board (GAB) at sanctioned ng Billiards and Snooker Cong-ress of the Philippines (BSCP) sa pangunguna ni incumbent president Ernesto "Ernie" Fajardo.
Ang 9-ball event ay magsisilbi ding qualifying phases sa mga manlalaro na kakatawan sa Philippine team sa Southeast Asian Games sa Manila sa Nobyembre.