^

PSN Palaro

Unang Pinoy 'exports' sa Japan

-
Habang ang lahat ay lumuluwas upang magbakasyon, isang aksidenteng naging turista ang nag-empake at lumipad patungong Japan bilang kauna-unahang Pinoy na imported na basketball player doon. At 16 anyos lamang siya.

Basketbol ang naging buhay ni Alvin Joseph Villanueva ‘Maui’ sa mga kaibigan niya. Noong 2003, ang sentro ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) ay hinirang na pinaka-magaling na sentro sa UAAP junior tournament. Tatlo sa kanyang mga kapatid ay naglalaro para sa University of Santo Tomas, UPIS at Claret. Subalit, hindi niya akalain na, sa loob lamang ng dalawang linggo, tutungo siya sa lupa ng libu-libong Filipino overseas contract workers at enter-tainers bilang isang basketball scholar. At nagsimula ang lahat sa pagtatagpo sa Reyes Gym sa Mandaluyong.

"Magkikita lang kami ng kaibigan ko doon," salaysay ni Villanueva sa Pilipino Star. Ngayon. "May try-outs. Tapos nakita ko si coach Beaujing (Acot, skills coach ng RP Ce-buana Lhuillier team, at nama-mahala sa tryouts.) Pinabalik niya ako kinabukasan para sumali."

Nalaman ni Villanueva na ang try-outs ay para sa Higashiyama High School, isang 136-taong preparatory school sa Kyoto. Kilala ang Higashiyama di lamang sa taas ng antas ng edukasyon, kundi pati sa galing nito sa sports. Subalit di ito makakuha ng kampeonato sa basketbol. Nang luwagan ang mga patakaran sa pagkuha ng mga dayuhang iskolar, ang Higa-shiyama at basketball coach nitong si Yukinobu Tanaka ay naghanap ng player sa ibang bansa. Nang makakuha sila ng isang 6’5" na sentrong Intsik, nabalitaan nila na panatiko ang Pilipino sa basketbol, at nag-organisa ng maraming try-out dito sa Pilipinas.

"There were three players we were choosing from," paliwanag ni Acot, na nagtangka ring kunin noon si Villanueva para sa kanyang Benedictine International School Tiger Sharks. "One was from UE, one from Letran, and Maui. When I was given the chance to decide who to get, I went with Maui, because I know he can make it big. In terms of attitude, discipline, skills, he was really the best choice."

Bigla na lamang, parang binagyo ang 6’4" na bata. Sa ganda ng kanyang ipinakita, ora mismo ay tinawagan ng mga Hapon na coach ang kanyang mga magulang.

"Nag-try-out siya ng 12:30. By 1:30, the Japanese coach was calling us on the phone to meet with us," alala ng kanyang inang si Corinne. "Ang bilis. It seems the coach was leaving for Japan the following day, Monday, so they needed to meet with us to get our commitment. It didn’t have time to sink in."

Noong Linggo ng gabi ring iyon, nagkita ang mga coach at pamilya ni Maui. Ipinakilala sila sa Higashiyama, at ibinigay ang kasulatan na nagkumpir-mang maglalaro si Maui doon. Sasagutin ng Higashiyama High School ang tatlong taong matrikula, (na may halagang 240,000 yen bawat taon), textbooks, examination fees, pabahay, transportasyon at pagkain, kasama na rin ang kanyang training expenses at uniporme. Bibigyan din siya ng bisikleta para makapaglibot sa paaralan, at irerekomenda siya sa unibersidad doon kung nanaisin niyang magtagal pa.

"We told him this was the Lord’s blessing for him," dag-dag ng kanyang amang si Jeorge. "Perform well, be on time. Those were some of the things we told him. Gusto kong matuwa, pero nalulungkot din ako kasi tatlong taon ding mawawala sa amin si Maui."(Ulat ni Bill Velasco)

ACOT

ALVIN JOSEPH VILLANUEVA

BENEDICTINE INTERNATIONAL SCHOOL TIGER SHARKS

BILL VELASCO

COACH

HIGASHIYAMA

HIGASHIYAMA HIGH SCHOOL

MAUI

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with