Listahan sa TM 9-Ball Champions League humaba
March 22, 2005 | 12:00am
Ang mahabang listahan ng bata at may edad na umaasa sa billiards ang nagmarka ng pagtaas ng interes para sa TM 9-Ball Champions League, ang una at natatanging 9-ball billiards tournament na maghahanap sa mga pangunahing talento sa probinsiya na sasargo sa Abril 11 sa SM Supermall sa San Fernando, Pampanga.
Sa Pampanga lamang, inihayag na ng organizers na pinamumunuan ni Ramon Tuason ang isa sa nagtatag ng Metropolitan Basketball Association, ang pagdami ng partisipante sa pre-qualifying tournament na nakatakda sa Abril 2 at 3 na pagbabatayan ng miyembro ng Pampanga team para sa main competition proper.
Bukod sa Pampanga, may katulad ding qualifying events na gaganapin sa Pampanga at Lungsod ng Pasig at Parañaque. Ang events ay idaraos din sa Abril 2 at 3.
Inilunsad ng Touch Mobile, naniniwala sa talento ng mga Filipino at pangunahing tagapagkalat ng Piso Call, Piso Txt at iba pang Piso features sa cellular communications, ang naturang torneo upang makahanap ng mga papalit sa trono nina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante.
Walong koponan ang sumali sa unang buhos ng TM 9-Ball Champions League na inorganisa ng Jemah Sports at RocketMan Enterprises ni Tuason na suportado ng Accel at ipapalabas sa IBC 13 mula alas-8-9 ng gabi tuwing Martes at Huwebes.
Bibiyahe din ang torneo sa Dasmariñas at Carmona sa Cavite; Parañaque; at Manila, ang kapitolyo ng bansa kung saan maraming papasikat na billiard superstars.
Samantala ang Pampanga, Pangasinan, Makati, Pasig at Batangas at iba pang koponan ay nagkumpirma na rin ng kanilang partisipasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended