Pony footwear isusuot ni Pacquiao

SANTA BARBARA, California -- Inihayag kahapon ng Pony International na isusuot ni Pinoy boxing idol Manny Pacquiao ang custom-made Pony ‘Pac Man’ boxing shoes sa kanyang pinakahihintay na laban kay Erik ‘El Terible’ Morales sa MGM Grand sa Las Vegas ngayon.

Ang blockbuster showdown ng taon ay ipapalabas sa buong mundo at masasaksihan ng marami ang paggamit ng Pinoy superstars ng Pony boxing shoe na kanyang ii-endorso sa mga iba pang nalalapit na laban.

Ilang linggo bago ang laban, ang Pony ay gumawa ng iba’t ibang klase ng sapatos at pinasubukan kay Pacquiao sa kanyang sparring sessions.

Si Pacquiao, na nagka-problema sa sapatos sa mga nagdaang laban at kilala sa mabilis na pagkilos, ay pinili ang Center Ring Middleweight na may soft full-grain leather upper bilang fight shoes sa kanyang piling puti at pulang kulay na may naka-imprentang ‘Pac Man sa gilid ng kanyang high cut shoes.

Gumamit rin ng Pony si Pacquiao sa kanyang laban kay Fahsan 3K Battery noong Disyembre.

"I am thrilled to be working with Pony and to continue the Pony tradition in boxing," ani Pacquiao. "Together we’re champions."

Makakasama ni Pacquiao sa elite cast ng mga Pony endorsers sina Evander Holyfield, Larry Holmes, James Toney, Joe Frazier, George Foreman at Ken Norton.

Show comments