Manood na lang ng TV sa bahay
March 19, 2005 | 12:00am
LAS VEGAS -- Manatili sa bahay. Manood ng TV at huwag kukurap.
"Manood na lang kayo," ito ang mensahe ni Manny Pacquiao sa kanyang milyung-milyong tagahanga sa Pilipinas sa kanyang pag-akyat sa ring kontra kay Erik Morales ng Mexico sa MGM Grand sa Sabado (Linggo sa Manila).
Ang laban na inyong masasaksihan ay inaasahang hindi tatagal ng 12 rounds at ito ay batay sa kapabilidad ng dalawang boksingero. Ang laban ay maaaring magtapos sa ilang round at marami ang nagsabing hindi tatagal.
"One punch is all it takes," na pawang paulit-ulit sa mga TV commercials dito sa kanilang pag-iingay sa malaking laban ng taon kung saan ang bawat boksingero ay tatanggap ng kulang-kulang sa $2 milyon bawat isa. Ang laban ay tinaguriang "Con Todo" o "Coming With Everything."
Ang naturang bakbakan ay klasipikadong pay-per-view na ibig sabihin ay bawat kabahayan dito sa Amerika ay kailangang magbayad ng $44.95 (kulang sa P2,500) para mapanood. (Ulat ni Abac Cordero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended