Sa isang pagpapalitan ng maanghang na salita bago ang laban, nagsalita ang manager ni Erik Morales ng lahat ng masasakit na salita kay Pacquiao at sa kampo nito sa official press conference sa MGM Grand dito.
Matapos makinig sa 15-minute liturgy ng promoter ni Pacquiao na si Murad Muhammad, tumayo si Beltran para kay Morales. At dito ipinaalala kay Pacquiao ang dalawang masasakit na karanasan na nagpuwersa sa kanyang bumigay sa laban.
Ang una ay noong 1999 nang malasap ni Pacquiao ang third round knockout kontra kay Medgeon 3K Battery Singsurat saThailand; ang ikalawa ay noong 2001 kung saan lumasap ito ng sixth-round technical split draw kontra kay Agapito Sanchez ng Dominican Republic sa San Francisco.